Sony Xperia Z5 Dual - Pagkonekta ng iyong device sa mga USB accessory

background image

Pagkonekta ng iyong device sa mga USB accessory

Maaari kang gumamit ng USB Host adapter upang magkonekta ng iyong device sa mga

USB accessory gaya ng mass storage device o isang mouse. Kung ang USB device ay

may micro USB connector, hindi na kailangan ng USB Host adapter. Ibinebenta nang

hiwalay ang mga USB Host adapter. Hindi ginagarantiya ng Sony na ang lahat ng USB

accessory ay sinusuportahan ng iyong device.

Ang device na ito ay may USB port na walang takip. Kung mababasa ang iyong device,

tiyaking ganap na tuyo ang USB port bago magkabit ng USB cable.