
Pagkuha ng screenshot
Maaari kang kumuha ng mga still na imahe ng anumang screen sa iyong device bilang
isang screenshot. Ang mga screenshot na kinukunan mo ay awtomatikong sine-save sa
Album.
35
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

Para kumuha ng screenshot
1
Pindutin nang matagal ang power key hanggang sa lumabas ang isang window
ng prompt.
2
Tapikin ang .
Maaari ka ring kumuha ng screenshot sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa power
key at volume down key nang magkasabay.
Para tingnan ang iyong screenshot
1
Tapikin nang dalawang beses ang status bar para maipakita ang panel ng
Notification.
2
Tapikin ang screenshot.
Maaari mo ring tingnan ang iyong mga screenshot sa application na Album.